Lauro Vizconde ng VACC, pumanaw na

By Erwin Aguilon, Isa Avendaño-Umali February 14, 2016 - 07:15 AM

lauro vizcondePumanaw na si Mang Lauro Vizconde kahapon (February 13) sa edad na 77.

Sa official statement mula kay Rodel Vizconde, pamangkin ni Mang Lauro, namayapa ang kanyang tiyuhin dakong 5:15 ng hapon ng Sabado dahil sa cardiac arrest dulot ng diabetes at pulmonary complication.

Sinabi ni Rodel na nanatili pa sa Intensive Care Unit ng UniHealth Paranaque Hospital ni Mang Lauro, subalit sadyang siya’y mahina na.

Ani Rodel, bagaman malungkot, pagkatapos ng dalawampu’t limang taon na pakikipaglaban upang makamit ang hustisya para sa pamilya ay kapiling na ni Mang Lauro ang kanyang asawa na si Estrelita at mga anak na sina Carmela at Jennifer, na karumal-dumal na pinaslang noong June 1991.

Nagtamo ng napakaraming saksak sa katawan ang mag-iina, habang ni-rape pa si Carmela. Noong mga panahon iyon, nasa Amerika si Mang Lauro.

Hiling naman ni Rodel ang taimtim na dasal para sa kaluluwa ni Mang Lauro, na inilaan ang kanyang buhay para sa pamilya at sa mga biktima ng heinous crimes.

Binibigyan aniya nila ng karangalan si Mang Lauro dahil sa dedikasyon at pagmamahal nito sa pamilya hanggang sa huling sandali nito.

Ang mga labi ni Mang Lauro ay nakaburol sa Heritage Park sa Taguig at doon maaring puntahan ng mga gustong magbigay ng huling respeto sa kanya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.