Multiple homicide sa owner at crew ng MB Nirvana

July 04, 2015 - 07:01 PM

CONTRIBUTED PHOTO FROM MIQUICAR PHOTO STUDIO
Photo from Miquicar Photo Studio

Kinasuhan ng multiple homicide ang may-ari at mga crew ng pampasaherong bangka na tumaob sa Ormoc na ikinamatay ng halos 60 katao.

Ayon kay Ormoc Police Head Chief Supt. Asher Dolina, isinampa ang kaso araw ng Biyernes, ika-3 ng Hulyo kaugnay ng pagtaob ng MB Kim Nivana.

Sinabi ni Dolina na lumabas sa kanilang pagtatanong sa mga nakaligtas na pasahero na pumasok ang tubig sa bangka na dahilan ng pagtaob nito.

“Hindi maingat ng crew ang bangka na nagpapakita ng kanilang intensyon na pumatay,” ani Dolina.

Labing-siyam ang kinasuhan kabilang ang ship operator na si Jorge Bong Zarco, ang kapitan na si Warren Oliviero at ang labing-pitong crew ng bangka.

Hiwalay ang imbestigasyon ng pulisya sa pag-iimbestiga ng Philippine Coast Guard na aalamin din ang dahilan ng trahedya.

Pero pwede ring irekomenda ng coast guard ang criminal at administrative charges.

“Isinampa namin agad ang mga kaso dahil ayaw namin na makaalis ng bansa ang mga suspek,” dagdad ni Dolina.

Una ng sinabi ng mga otoridad na ang bangka ay overloaded ng mga pasahero at mga kargamento.

Samantala, umakyat na sa limamput-siyam ang mga namatay sa pagtaob ng MB Nirvana.

Biyernes ng gabi ay ilan pang mga bangkay ang lumutang kabilang ang tatlong bata at ang seaman na si Lorenzo Salinas.

Nadagdagan din ang mga labi na lumutang Sabado ng umaga.

Sa ngayon ay overloading ng mga pasahero at kargamento ang tinitinggnang anggulo sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard.

“Sinabi ng ilang saksi na mahigit isang daang sako ng semento ang nasa cargo area ng bangka bago ito tumaob. kada sako ng bigas, semento at fertilizer ay tumitimbang ng 50 kilos o 110 pounds kaya ang 150 sacks ay dagdag na 7,500 na bigat sa bangka,” pahayag ni Ormoc City Councilor Godiardo Ebcas.

Dagdag ni Ebcas, sinabi ng mga survivors na hindi nakatali ang mga kargamento na nasa pinakamababang bahagi ng bangka na pwedeng naging dahilan ng pagtaob nito.

Pero depensa ng may-ari ng bangka na si Zarco, halos wala raw laman ang bodega ng MB Kim Nirvana kaya imposibleng overloading sa kargamento ang dahilan ng pagtaob nito.

Humingi naman ng pang-unawa sa mga biktima ang kapitan ng bangka.

Ayon kay Oliverio, hindi mabilis ang maniobra niya ng bangka pero hinampas sila ng malakas na alon kaya tumaob ang bangka.

Sa kabila nito ay sinabi ni DOTC Sec. Jun Abaya na ipapatawag niya ang crew ng bangka para sila ay imbestigahan at makasuhan kung napatunayang may kapabayaan. /Len Montaño

TAGS: kim nirvana, Ormoc City, Radyo Inquirer, kim nirvana, Ormoc City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.