WATCH: 23 milyong pamilya na apektado ng COVID-19, makatatanggap ng pinansiyal na ayuda

Karagdagang limang milyong pamilya pa ang makatatanggap ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Dahil dito, aabot na sa 23 milyong pamilya na apektado ng COVID-19 ang mabibigyan ng cash aid ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na mayroong panuntunan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpili ng limang milyong pamilya na bibigyan nito.

Narito ang ulat ni Chona Yu:

Read more...