COVID-19 testing sa Navotas City, sinimulan na

By Angellic Jordan May 05, 2020 - 01:07 AM

Sinimulan na ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa Navotas City, araw ng Lunes (May 4).

Sa Twitter, sinabi ni Mayor Toby Tiangco na sakop nito ang lahat ng suspected at probable cases, at maging ang front liners sa lungsod.

Katuwang aniya ng Navotas City government ang Philippines Red Cross sa pagsasagawa ng COVID-19 testing.

“Nakipag-partner po tayo sa Philippine Red Cross para sila po ang magsusupply ng PCR test kits at magsasagawa ng COVID-19 tests,” ani Tiangco.

Sinabi pa ni Tiangco na naglaan ang Navotas LGU ng P5 milyon para sa 1,428 test kits.

“Ang resulta ng mga test na ito ang magsisilbing gabay natin para sa susunod na mga hakbang na gagawin para maprotektahan ang ating mga mamamayan laban sa COVID-19,” pahayag pa ng alkalde.

TAGS: COVID-19 testing sa Navotas City, Inquirer News, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, COVID-19 testing sa Navotas City, Inquirer News, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.