Bilang ng COVID-19 confirmed cases sa Maynila pumalo na sa 770
By Mary Rose Cabrales May 04, 2020 - 11:02 PM
Tumaas pa ang bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa huling datos ng Manila PIO, pumalo na sa 770 ang bilang ng mga positibong kaso sa lungsod.
Sa nasabing bilang 583 ang active cases, 24 ang naitalang bagong kaso na tinamaan ng virus.
Umabot naman sa 114 ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.
Mayroon namang 924 na suspected cases habang 81 naman ang bilang ng mga probable.
Samantala, nanatili naman sa 73 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.