Barbaza, Antique niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng malakas na pagyanig ang lalawigan ng Antique.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.8 na lindol sa 14 kilometers Southeast ng bayan ng Barbaza, alas-10:12 gabi ng Lunes (May 4).

May lalim na 16 kilometers ang malakas na pagyanig at Tectonic ang origin nito.

Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – San Jose de Buenavista, Antique
Intensity I – Lezo, Aklan

Naitala rin ang sumusunod na instrumental Intensities:
Intensity III – Malay, and Malinao, Aklan; Culasi, San Jose de Buenavista, Antique
Intensity II – Bago City, Negros Occidental
Intensity I – La Carlota City, Negros Occidental; Iloilo City

Wala pa naman naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...