Ito’y sa kabila ng ilang aberya at technical problems sa mock polls, kaya na-delay ang botohan sa ibang mga presinto, gaya ng pag-reject sa mga balota at isyu sa transmission.
Ayon kay Bautista, kahit papaano ay natukoy ng Comelec ang mga problema na kailangang maresolba bago ang aktwal na halalan sa May 09.
Sinabi pa ni Bautista na dry run lamang naman ang mock elections, at ang layon nito ay ma-simulate ang mga posibleng mangyari sa mismong botohan.
Gayunman, sinabi ni Bautista na nasa 60 percent lamang ang nakibahagi sa mock polls, na mababa sa inaasahan nilang bilang ng participants na mahigit sa 25 thousand.
Pagtitiyak ni Bautista, may sapat na panahon pa ang Comelec para ma-improve ang ilang mahahalagang aspeto ng eleksyon, kabilang na rito ang isang sistema para mapabilis ang voting process.