12.1 milyong pamilya, nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng SAP

By Angellic Jordan May 04, 2020 - 09:59 PM

Mahigit 12.1 milyong pamilya na ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang 8:00 ng gabi (May 3), katumbas na ito ng 67 porsyentong target bigyan ng ayuda ng gobyerno.

Sa nasabing bilang, higit 3.8 milyon ay Pantawid Pamilya beneficiairies.

Nasa 40,418 naman ang public utility vehicle (PUV) drivers na nabigyan ng tulong-pinansiyal.

Sa ngayon, tinatayang P65.6 bilyon na ang na-disburse na pondo ng pamahalaan para sa SAP.

TAGS: DSWD SAP distribution, Inquirer News, Radyo Inquirer news, social amelioration program, DSWD SAP distribution, Inquirer News, Radyo Inquirer news, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.