Mga estudyante ng private colleges and universities, dapat ding ayudahan ng gobyerno

Pinaglalaan ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda ang pamahalaan ng P25B para sa mga COVID-impacted Tertiary Students ng mga Private Higher Education Institutions

Ayon kay Salceda na siya ring co-charman ng Economic Stimulus Cluster ng Defeat COVID-19 Committee, lahat ay dapat makikinabang sa P455-billion recovery plan nila ngayong taon.

Ang ayudang ito ay gagamitin aniya sa pambayad para sa kanilang tuition sa second semester at iba pang bayarin.

Ayon kay Salceda, P16 billion ang kukunin mula sa pambansang pondo ngayong taon at P9 billion naman mula sa appropriated funds noong 2019.

Sa ngayon, sinabi ni Salceda na malapit nang magkaroon ng consensus silan mga kongresista at economic managers para sa kanilang binabalangkas na economic recovery plan mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa panukalang kanilang binubuo, P380 billion ang inilalaan para sa mga transitional measures at nasa P75 billion naman para sa financial restructuring, kasama na ang murang pautang at pinaigting na Build, Build, Build program.

Read more...