Health workers sa bansa na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 1,772
Nadagdagan pa ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 1,772 ang medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Nitong mga nagdaang araw, paunti na aniya nang paunti ang naitatalang health workers na nagpopositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 1,419 ang aktibong kaso ng sakit kung saan 452 ay asymptomatic, 958 ay mild at siyam ay may severe case ng COVID-19.
319 naman sa health workers ang naka-recover habang 34 ang pumanaw dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.