Mga bangkay ng mga OFWs na namatay sa sunog sa Iraq naiuwi na sa bansa

By Den Macaranas February 13, 2016 - 07:51 PM

NAIA1
Inquirer file photo

Dumating na sa bansa ang mga labi ng labing-tatlong mga Pinay OFWs na namatay makaraang masunog ang isang hotel sa Erbil Iraq noong nakalipas na linggo.

Sinagot ng management ng Capitol Hotel ang pagpapauwi sa mga bangkay ng kanilang mga Filipinaw workers.

Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na matatanggap ng mga biktima ang lahat ng mga benepisyong nakalaan para sa kanila.

Ang mga namatay na biktima ay nagta-trabaho bilang mga therapists sa nasabing hotel nang sila’y ma-trap sa basement dulot ng malaking sunog.

Bagaman nasa ilalim ng Crisis Alert number 4 ang malaking bahagi ng Iraq, ang lugar ng Kurdistan kung saan matatagpuan ang Erbil ay nasa ilalim lamang ng Alert number 1 kaya ligtas ito para sa mga manggagawa ayon pa sa pahayag ng OWWA.

TAGS: Capitol Hotel, DOLE, Erbil, Iraq, OWWA, Capitol Hotel, DOLE, Erbil, Iraq, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.