Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang kay Cardinal Luis Antonio Tagle.
Ito ay matapos italaga ni Pope Francis si Cardinal Tagle bilang Cardinal Bishop sa Vatican.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, isang malaking karangalan sa bansa ang pagkakatalaga kay Cardinal Tagle.
“Kami po ay binabati ang ating His Eminence Cardinal Luis Antonio Tagle sa kanyang pagkakatalaga bilang isang Cardinal Bishop,” pahaya ni Roque.
Ayon kay Roque, maituturing na tagumpay ng sambayan ang pagkakahirang kay Cardinal Tagle.
“Ito po ang pinaka-highest title ng isang cardinal sa Simbahang Katolika. Ang tagumpay niya po, Your Eminence, ay tagumpay ng buong sambayanang Pilipino. Maraming salamat po sa karangalan and congratulations,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.