BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 9,485
Lumobo pa ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (May 4), 9,485 na ang kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.
262 ang panibagong napaulat na bagong kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras
Sa nasabing bilang, 122 rito o 47 porsyento ay mula sa National Capital Region, 88 o 33 porsyento sa Region 7 at 52 o 20 porsyento mula sa iba pang lugar.
Nasa 16 naman ang nasawi dahilan para umabot sa 623 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa kagawaran, 101 ang bagong pasyente na gumaling sa COVID-19 pandemic sa bansa.
Dahil dito, 1,315 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.