Ex-Sen. Jinggoy Estrada, dapat nakipag-ugnayan sa OCD sa pamimigay ng relief goods – DILG
Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat nakipag-ugnayan si dating Senador Jinggoy Estrada sa Office of the Civil Defense (OCD) hinggil sa pamimigay ng relief goods sa San Juan City.
Ito ay matapos dalhin si Estrada sa presinto dahil paglabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine, araw ng Linggo (May 3).
Sa press briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na nauunawaan nila ang kagustuhan ni Estrado na makatulong sa panahon ng COVID-19 crisis.
Ngunit, dapat aniyang naaayon ito sa legal na panuntunan ng ECQ.
Ayon sa kalihim, dapat nakipag-ugnayan si Estrada sa local government unit.
Kung hindi man aniya maayos ang relasyon sa LGU, maaaring makipag-ugnayan sa OCD para makatulong sa nais iparating na tulong ng dating senador.
Nauna nang nilinaw ni San Juan City Mayor Francis Zamora na walang kinalaman sa pulitika ang pag-aresto kay Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.