12 empleyado sa Senado, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 12 empleyado ng Senado ang lumabas na positibo batay sa isinagawang COVID-19 anti-body rapid testing.

Kinumpirma ito mismo ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Agad aniyang dinala ang mga empleyado sa ospital para sa isasagawang swab test at para sumailalim sa quarantine.

Nasa 500 empleyado ang sumailalim sa rapid testing ilang oras bago ang pagbabalik-sesyon ng Senado bandang 3:00 ng hapon (May 4).

Read more...