Pagbabayad ng OFWs sa PhilHealth premiums, boluntaryo na – Palasyo

By Chona Yu May 04, 2020 - 02:11 PM

Boluntaryo na ang pagbabayad ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa PhilHealth premiums.

Pahayag ito ng Palasyo matapos pumalag ang mga OFW na itaas sa tatlong porsyento ang kanilang kontribusyon sa PhilHealth.

“Ipinapaalam po namin sa inyo na nag-issue ng direktiba ang ating Preisdente sa PhilHealth para gawing boluntaryo po ang pagbabayad ng mga OFWs ng PhilHealth premiums,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na pinasuspinde na ni Health Secretary Francisco Duque III sa PhilHealth ang IRR habang mayroong problema ang bansa sa COVID-19.

“Inanunsyo na rin po ng POEA at OWWA na hindi na po ire-require ang pagbayad ng PhilHealth premiums ng mga OFW para sila po ay ma-issue-han ng mga kinakailangang papeles, yung tinatawag na OEC, para makalabas ng bansa,” pahayag ni Roque.

Si Roque ang pangunahing nagsulong sa Universal Health Care Law noong siya pa ang kinatawan ng Kabayan Partylist.

“Wala po sa batas na nagsasabi na dapat patawan ang mga OFWs ng karagdagang premium sa pamamaraan na nais pong ipatupad ng PhilHealth. ‘Yan po ay nasa implementing rules and regulation para lang po sa kaalaman ng lahat,” pahayag ni Roque.

“Sa ngayon po habang meron tayong krisis, ang naging desisyon ng Presidente ‘wag na muna tayo magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs. Lalong-lao na sa panahong marami sa kanila ang nare-repatriate at nawalan na rin ng trabaho,” dagdag ni Roque.

TAGS: Inquirer News, philhealth contribution, PhilHealth Premium, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Universal Health care Law, Inquirer News, philhealth contribution, PhilHealth Premium, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Universal Health care Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.