Kaso ng COVID-19 sa Bataan, 90 na

Nakapagtala ng isa pang bagong tinamaan ng COVID-19 sa Bataan.

Batay sa huling datos, 90 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing probinsya.

Sa 2,127 katao na sumailalim sa pagsusuri, 1,258 ang lumabas na negatibo sa COVID-19 pandemic.

Dalawa naman ang bagong pasyente na gumaling sa naturang sakit dahilan para umabot sa 22 ang total recoveries sa bansa.

Nananatili naman sa apat ang bilang ng nasawi sa Bataan dahil pa rin sa COVID-19.

Read more...