Pagtataas ng premium sa PhilHealth ng mga OFW wala sa UHC Law – Roque

By Chona Yu May 04, 2020 - 12:11 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Pumalag si Presidential Spokesman Harry Roque sa paninisi sa kanya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa pagtataas ng tatlong porsyento sa bayarin sa PhilHealth.

Si Roque ang isa sa mga may akda ng Universal Health Care Law na naipasa noong siya pa ang kinatawan ng Kabayan Partylist group.

Ayon kay Roque, wala sa isinulong na batas ang pagpapataw ng mas mataas na kontribusyon ng mga OFW sa PhilHealth.

“Alam niyo po ang masasabi ko lang, wala po sa batas na aking isinulong na nagsasabi na dapat ipataw ‘yung ganitong hirap sa mga OFWs,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na ang PhilHealth na ang gumawa ng Implementing Rules and Regulations.

Sa ilalim ng PhilHealht Circular na nilagdaan noong April 2, 2020, magbabayad na ng tatlong porsyento mula sa kanilang sweldo ang mga ofw na may monthly income na P10,000 hanggang P60,000.

Mas mataas ito mula sa dating kontribusyon na 2.75 percent.

Ilang mga OFW na sa Hong Kong ang nagsagawa ng kilos protesta para ipakita ang pagtutol sa dagdag na bayarin sa PhilHealth.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, PhilHealth Premium, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UHC Law, Universal Health care Law, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, PhilHealth Premium, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UHC Law, Universal Health care Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.