Ayon kay Poe marami sa mga PUV drivers ang hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno at halos dalawang buwan na silang walang pinagkakakitaan dahil hindi sila maaring bumiyahe.
Diin ng senadora kapag bumiyahe naman ang mga pampublikong sasakyan, isinasakripisyo na rin ng mga driver ang kanilang buhay para sa dahan-dahan pagbangon ng ekonomiya.
Hiniling din ni Poe na maisama sa dapat sumailalim sa mandatory COVID 19 testing ang mga PUV drivers.
Ganun din dahil mahipit na ipapatupad ang social distancing sa lahat ng mga pampublikong sasakyan, limitado ang kita ng mga driver kayat aniya makakatulong ng malaki kung bibigyan muna ng fuel at livelihood subsidy habang umiiral ang new normal.