Gobyerno kinalampag ni Sen. Grace Poe sa cash aid sa PUV drivers

May 04, 2020 - 12:08 PM

Sinamahan na ni Senator Grace Poe ang mga public transport drivers sa pagkatok sa gobyerno para sila ay mabigyan ng tulong pinansiyal ngayon patuloy na umiiral ang enhanced community quarantine sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Poe marami sa mga PUV drivers ang hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno at halos dalawang buwan na silang walang pinagkakakitaan dahil hindi sila maaring bumiyahe.

Diin ng senadora kapag bumiyahe naman ang mga pampublikong sasakyan, isinasakripisyo na rin ng mga driver ang kanilang buhay para sa dahan-dahan pagbangon ng ekonomiya.

Hiniling din ni Poe na maisama sa dapat sumailalim sa mandatory COVID 19 testing ang mga PUV drivers.

Ganun din dahil mahipit na ipapatupad ang social distancing sa lahat ng mga pampublikong sasakyan, limitado ang kita ng mga driver kayat aniya makakatulong ng malaki kung bibigyan muna ng fuel at livelihood subsidy habang umiiral ang new normal.

 

 

 

 

TAGS: cash aid, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, grace poe, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PUV drivers, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, subsidy, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash aid, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, grace poe, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PUV drivers, Radyo Inquirer, Senate, State of Emergency, subsidy, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.