Insentibo para sa mga negosyo at magbabalik-probinsya, inirekomenda ng isang kongresista

By Erwin Aguilon May 04, 2020 - 11:14 AM

Suportado ni Ang Probinsyano Party list Rep. Alfred Delos Santos ang panukalang Balik-Probinsya Program bilang paraan para matulungan ang mga stranded na Pilipino at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 crisis.

Layon rin nitong mapaluwag ang Metro Manila pagkatapos ng enhanced community quarantine para mabilis na ma-contain ang pagkalat ng virus.

Kumbisido si Delos Santos na magandang oportunidad at panimula ang Balik-Probinsya Program para maisulong rin ang pag-unlad sa mga lalawigan.

At para maengganyo ang mga probinsyano sa programa, inirekomenda ng kongresista ang pagbibigay ng insentibo sa mga negosyo o mamumuhunan sa probinsya gayundin sa mga pamilyang uuwi at mananatili sa kanilang lalawigan.

Sa ganitong paraan anya sisigla ang ekonomiya sa probinsya dahil magkakaroon ng kabuhayan at trabaho.

Base sa 2015 census, nasa 12.87 million ang mga tao sa National Capital Region.

 

 

 

 

TAGS: balik probinsya, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, house of rep, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, balik probinsya, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, house of rep, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.