7 taong gulang na batang lalaki gumaling sa COVID-19 sa Lapu-Lapu City

Isang pitong taong gulang na batang lalaki ang naka-recover sa COVID-19 sa Lapu-Lapu City.

Nakalabas na ng ARC Hospital ang bata Linggo (May 3) ng gabi.

Ayon kay Lapu-Lapu City CDRRMO head Nagiel Bañacia, ang nanay at kapatid ng bata ay kapwa nagpapagaling pa sa ospital dahil sa COVID-19.

Ibinahagi ni Bañacia, sa kaniyang Facebook post ang mga larawan ng paglabas na ng ospital ng bata.

Sinalubong din ng mga taga CDRRMO ang bata.

 

 

 

 

 

 

Read more...