Lauro Vizconde namatay na

By Den Macaranas February 13, 2016 - 06:59 PM

lauro vizcondeKinumpirma ni Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez na namatay na kaninang pasado alas-singko hapon si VACC founding president Lauro Vizconde.

Noong Biyernes ay isinugod sa Unihealth-Paranaque City si Mang Lauro makaraan siyang dumanas ng heart attack.

Simula noon ay nanatili si Vizconde sa ICU ng ospital ayon sa kanyang kapatid na si Letty.

Kahapon ay naglabas ng pahayag ang kanyang mga kapamilya kasabay ng vigil kung saan ay kanilang sinasabi na tanggap na nila anuman ang mangyari sa dating opisyal ng VACC.

Isa si Vizconde sa mga nanguna sa pagtatayo ng VACC makaraang paslangin ang kanyang asawa at dalawang anak sa loob ng kanilang bahay sa BF Homes Paranaque City noong June 30 1991.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Boy Evangelista na maglalabas ng pahayag ang mga kaanak ni Mang Lauro kaugnay sa detalye ng kanyang burol at libing.

TAGS: Dante Jimenez, Lauro Vizconde, vacc, Dante Jimenez, Lauro Vizconde, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.