Mahigit 200 naaresto sa pagpapatupad ng hard lockdown sa Tondo
By Dona Dominguez-Cargullo May 04, 2020 - 08:39 AM
Umabot na sa mahigit 200 ang bilang ng mga naaresto sa kasagsagan ng pag-iral ng hard lockdown sa Tondo 1 District sa Maynila.
Ang mga narestong menor de edad at persons with disability ay pinapayagang makauwi ulit sa kanilang mga bahay.
Kung homeless naman ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development.
Habang ang iba pang lumabag ay dinadala sa isang covered court.
Simula nang ipatupad ang hard lockdown ay mahigit 1,400 na pulis ang itinalag sa Tondo 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.