Hotels, quarantine ships punuan na kaya hinto muna ang pagpapauwi sa mga OFW

By Dona Dominguez-Cargullo May 04, 2020 - 08:04 AM

Punuan na ang mga hotel at mga barko na ginagamit bilang quarantine facilities para sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na hiniling ni Sec. Carlito Galvez Jr. ng National Task Force on COVID-19 na ihinto muna ang papapauwi sa mga OFW kahit sa loob lang ng isang linggo.

Ito ang dahilan kaya isang linggong suspendido ang inbound international flights sa lahat ng paliparan sa bansa.

Ayon kay Bello, umabot na sa mahigit 45,000 ang napauwing OFWs sa bansa.

Sa nasabing bilang, mahigit 30,000 ay pawang sea based OFWs at ang nalalabi ay pawang land based OFWs.

Mayroon pang mahigit 16,000 na OFWs ang sumasailalim ngayon sa quarantine sa mga pasilidad na inilaan sa mga umuuwing OFWs.

Kabilang dito ang mga hotel na pumayag ipagamit ang kanilang pasilidad at ang mga quarantine ship.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.