Misis ni Menorca nagsalita kaugnay sa adultery case

By Den Macaranas February 13, 2016 - 05:20 PM

Jinky Menorca
Inquirer photo

Naglabas na ng saloobin ang Misis ni Lowell Menorca makaraan siyang sampahan ng kasong adultery kahapon sa Manila Prosecutors’ Office.

Sa kanyang pahayag na ipinamahagi sa mga miyembro ng media, sinabi ni Jinky Otsuko Menorca na hindi kayang sirain ng anumang intriga at paninira ang pagsasama nila ng dating evangelical worker ng Iglesia ni Cristo.

Sinabi rin ni Ginang Menorca na paninira lamang ang kasong isinampa kahapon ni Davis Flores laban sa kanyang asawa.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Flores na mula pa noong 2008 ay may lihim nang relasyon si Menorca sa kanyang dating asawa na si Aedtnavye “AJ” Lazo.

Inilalagay pa umano ni Menorca na gumagamit ng ibat-ibang mga aliases sa blog ang pakikipag-relasyon sa kanyang dating misis.

Sinabi rin ni Flores sa kanyang reklamo na si Menorca ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Jinky na simula nang ibulgar ng kanyang Mister ang mga kalokohan ng sa ng INC ay inihanda na nila ang kani-kanilang mga sarili sa kaung anuman ang pwedeng mga mangyari.

Idinagdag pa ni Jinky na ginagamitan na sila ng pera at impluwensiya para sila’y gipitin at itigil ang nasimulang pagsisiwalat ng kanyang Mister.

Idinagdag pa ni Jinky na sa mga susunod na araw ay maglalabas din kanyang pahayag si Lowell dahil kailangan pa umano niyang mabasa ang reklamo at sasangguni rin siya sa kanyang mga abogado.

TAGS: Adultery, davis flores, Iglesia ni Cristo, Jinky Menorca, Lowell Menorca, Adultery, davis flores, Iglesia ni Cristo, Jinky Menorca, Lowell Menorca

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.