Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa QC 1,336 na
By Dona Dominguez-Cargullo May 04, 2020 - 06:35 AM
Sumampa na sa 1,336 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa nasabing bilang, 1,187 ang tukoy ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address.
Umabot naman na sa 258 ang bilang ng mga naka-recover sa sakit habang 129 naman ang nasawi.
Mayroon pang 483 na suspected COVID-19 cases sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.