Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf patay sa engkwentro sa Tawi-Tawi

By Dona Dominguez-Cargullo May 04, 2020 - 06:20 AM

Patay sa engkwentro sa mga sundalo at pulis ang dalawang miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFR) ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.

Nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng Marine Battalion Landing Team-6, Tandubas Municipal Police Station, at Provincial Mobile Force Company ang mga bandido sa Barangay Taruk bayan ng Tandubas araw ng Linggo, May 3.

Ayon sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang 10 minutong sagupaan ay na-recover sa encounter site ang katawan ng dalawang bandido na sina Jul Haber alyas Black Shabu at Toks at si Kamsel Ampang.

Nakuha din sa lugar ang isang M16 rifle, 123 rounds ng 5.56mm live ammunition, mga magazine para sa M16 rifle, isang rifle grenade, isang suspender, at isang sachet ng shabu.

 

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, kidnap for ransom group, tandubas, tandubas island, tawi-tawi, Abu Sayyaf, kidnap for ransom group, tandubas, tandubas island, tawi-tawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.