Testing centers sa QC nadagdagan pa

Mayroon pang dagdag na testing centers sa Quezon City para sa isinasagawa nitong Community-based testing.

Operational na simula ngayong araw ang Esteban Abada Elementary School para sa District 1, at ang Batasan National High School para sa District 2.

Bukas, May 5 ay muli namang bubuksan ang Old Balara Covered Court para sa mga residente ng District 4.

Sa kasalukuyan ay operational ang Quezon City Experience sa Quezon Memorial Circle para sa mga taga District 4, ang SB park Novaliches para sa District 5 at ang UP Asian Institute of Tourism para sa District 6.

 

 

 

 

Read more...