39 degrees Celsius naitalang maximum heat index sa Metro Manila, kahapon
By Mary Rose Cabrales May 04, 2020 - 05:37 AM
Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa Metro Manila sa araw ng Linggo, May 3.
Ayon sa PAGASA, nanatili sa 39 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden, Quezon City alas-11 ng umaga.
32 degrees Celsius naman ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Payo ng weather bureau na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan rin ang physical activities tuwing tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.