Digos City, Davao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 25 kilometers Northwest ng Digos City, alas-12:17 madaling araw ng Lunes (May 4).

May lalim na 23 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...