Zika virus pwedeng magtago sa ating immune system ayon sa mga eksperto

By Den Macaranas February 13, 2016 - 04:11 PM

zika virus2
AP photo

Isang development ngayon ang pinag-aaralan ng mga medical experts sa U.S na may kinalaman sa Zika virus.

Sinabi ni Dr. William Schaffner, infectious disease expert sa Vanderbuilt University Medical Center sa Nashville na pwedeng magtago ang Zika virus sa ating immune system.

Ito rin ayon sa pag-aaral ang dahilan kaya mahirap sugpuin ang nasabing uri ng virus kung ito’y nasa loob na ng katawan ng isang pasyente.

Ipinaliwanag ni Dr. Schaffner na tulad ng ating utak na mayroong ibang uri ng anti-bodies, pero kayang mamuhay dito ng Zika virus hindi tulad ng ibang uri ng virus.

Sa isang pag-aaral sa Slovenia na inilabas ng New England Journal of Medicine, kanilang ipinaliwanag ang kaso ng isang buntis na nagpa-abort nang malamang infected na ng Zika virus ang sanggol sa kanyang tiyan.

Sa pamamagitan ng autopsy ay kanilang nakita na ang Zika virus sa utak ng fetus ay hindi namatay kahit namatay na ang host body.

Sinabi ng mga medical experts na dahil sa kakaibang anti-bodies sa utak ng tao kaya nila nasabi na ang human brain ay isang immunologically privileged site para sa nasabing uri ng virus.

Nauna dito ay lumabas na na rin ang pag-aaral na nabubuhay ang Zika virus sa seminal fluids kaya ipinapayo nila ang pag-gamit ng condom lalo na para sa mga nanggaling sa mga bansang nasa ilalim ng Zika alert.

Nanatili namang mild ang sintomas ng Zika virus maliban na lamang sa microcephaly effects para sa mga sanggol at pwede lamang itong makamatay kapag ang pasyente ay dumanas ng Guillan-Barre syndrome o pagka-paralisa ng ilang vital organs at ng buong katawan.

Nilinaw din ni Dr. Schaffner na pwede ring magdulot ng microcephaly o under-development ng fetal brains ang iba pang uri ng virus tulad ng toxoplasmosis, rubella at herpes.

 

TAGS: Slovenia, Vanderbuilt university, virus, zika virus, Slovenia, Vanderbuilt university, virus, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.