Tulong ng Kapamilya Network sa mga residente ng SJDM pinasalamatan ni Congw. Rida Robes at Mayor Arthur Robes

May 03, 2020 - 12:37 PM

Si Rep. Florida “Rida” Robes ng nag-iisang distrito ng San Jose del Monte City (SJDM) sa Bulacan, at ang kanyang asawang si SJDM Mayor Arturo “Arthur” Robes ay nagpapasalamat sa ABS-CBN sa pagbibigay ng tulong sa ilang mga komunidad sa ilalim ng kanilang nasasakupan sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19.

Ang ABS-CBN — sa pamamagitan ng programang “Pantawid ng Pag-ibig” — ay nagbigay ng 3,000 emergency food packs sa mga residente ng SJDM sa mga sumusunod na lugar:

Rosario Ville
Skyline Ville
Mga Bahay sa Serrata
Peterville
Liana Road
Amihan Road
Del Monte Heights
Sawmill Subdivision
Skyline Homes

Ang mga nasabing mga lugar ay matatagpuan malapit sa 7.7 ektaryang lupa na pag-aari ng ABS-CBN sa SJDM kung saan tinayo ang ABS-CBN Horizon IT Park. Mayroong dalawang sound stage rito – ang EL3 Stage na pinangalanan sa chairman emeritus ng ABS-CBN na si Eugenio “Gabby” Lopez III at ang Stage 2.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa Kapamilya Network sa suporta na ibinigay sa mga tao ng San Jose del Monte,” sabi ni Rep. Robes. “Patuloy silang nagbigay ng suporta sa lokal na pamahalaan. Nagpapasalamat sa mga namamahala sa ABS-CBN sa pagbibigay ng libu-libong emergency food packs.”

Samantala, sinabi naman ni Mayor Robes, “Pinahahalagahan namin ang lahat ng tulong na ibinigay sa amin ng mga kumpanyang tulad ng ABS-CBN. Ikinagagalak ng LGU ang pagiging bukas-palad ng iba’t ibang mga kompanya at organisasyon upang dagdagan ang tulong na binibigay sa mga residente ng San Jose del Monte. Malaking bagay ito sa panahong ito.”

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, relief, SJDM, Bulacan, relief, SJDM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.