Bilang ng Filipino sa abroad na positibo sa COVID-19, 1,751 na
Nadagdagan nang 10 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 3, nasa 1,751 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,070 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 471 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Tatlo pa ang nasawi kung kaya 210 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europe na may 522 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 488 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 373 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 368 sa Middle East/Africa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.