(UPDATED) Nasa 109 katao na ang nagpositibo sa Coronavirus.
Ito ay matapos magsagawa ng rapid test si Manila Mayor Isko Moreno sa Tondo 1 na una nang isinailalim sa 48 oras na hard lockdown.
Aabot sa 1,133 na residente ang sumailalim sa rapid test.
“Maganda rin ito na benepisyo na kapag nagbuti kayo sa komunidad, naging masinop kayo, naging disiplinado kayo ang beneisyo ninyo ay you will live normally,” pahayag ni Moreno.
“Kapag ikaw ay naging matino at talagang sinusunod niyo yung social distancing, and ‘yung quarantine and other protocols. We will open your barangay. Discipline must be put in the right place,” dagdag ni Moreno.
Kasabay nito, umabot na sa 175 na residente ang inaresto dahil sa paglabag sa hard lockdown.
“We, together with JCI, are now building a COVID-19 facility in the community, utilizing public school. We are now building a 40 bed capacity in one of our schools, Araullo High School,” pahayag ni Moreno
“The reason behind if there is resurgence of the covid 19, we’re trying to prepare also in terms of facility. Doon na kami papunta,” dagdag ni Moreno.
Sa kabuuan, 573 na ang nagpositibo sa Maynila kung saan 102 ang galing sa Tondo 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.