LOOK: Limang lugar na nakapagtala ng maximum temperature, May 2

Nakapagtala ng mainit at maalinsangang panahon sa ilang bahagi ng bansa, araw ng Sabado (May 2).

Sa inilabas na datos ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Echague, Isabela na umabot sa 38.8 degrees Celsius.

Narito ang iba pang lugar na may mataas na temperatura:
– Tuguegarao City – 38.5 degrees Celsius
– Camiling, Tarlac – 38 degrees Celsius
– Bayombong, Nueva Vizcaya – 37 degrees Celsius
– Science City of Muñoz – 37 degrees Celsius

Payo ng weather bureau, dalasan ang pag-inom ng tubig.

Mas maigi rin aniyang huwag magsagawa ng physical acitivities tuwing tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

Read more...