Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), nagdesisyon si Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Taskforce Against COVID-19, na pansamantalang suspindehin ang lahat ng commercial/passenger flights mula at patungo sa bansa simula 8:00, Lunes ng umaga.
Layon anila nito na maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa.
Wala namang inilabas na karagdagang panuntunan sa nasabing kautusan.
“Cargo flights, medical supplies, utility, and maintenance flights will remain unhampered,” dagdag ng MIAA.
MOST READ
LATEST STORIES