LPA, magdadala ng pag-ulan sa ilang parte ng bansa – PAGASA

By Angellic Jordan May 03, 2020 - 12:48 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

Magdudulot ng pag-ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng PAGASA bandang 10:00, Linggo ng umaga (May 3), huling namataan ang LPA sa layong 280 kilometers East Northeast ng Davao City o 220 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 8:00 ng umaga.

Sinabi ng weather bureau na nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Dahil dito, magdudulot ito ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mindanao, Visayas at Bicol region.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Manatili rin anilang nakatutok sa ilalabas nilang abiso hinggil sa lagay ng panahon.

TAGS: Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 3, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.