Global death toll dahil sa COVID-19, higit 244,000
Pumalo na sa mahigit 244,000 ang bilang ng nasasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa buong mundo.
Sa huling datos, 244,778 na ang kabuuang global death bunsod ng nakakahawang sakit.
Pinakamarami pa ring naitatalang nasawi sa bahagi ng Estados Unidos na may 67,444 deaths.
Pangalawa rito ang Italy kung saan 28,710 ang bilang ng nasawi.
Narito naman ang death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– UK – 28,131
– Spain – 25,100
– France – 24,760
– Belguim – 7,765
– Germany – 6,810
– Brazil – 6,761
– Iran – 6,156
– Netherlands – 4,987
– China – 4,633
– Canada – 3,566
– Turkey – 3,336
– Sweden – 2,669
– Mexico – 2,061
– Switzerland – 1,762
– Ireland – 1,286
– India – 1,323
– Russia – 1,222
– Peru – 1,200
– Ecuador – 1,371
– Portugal – 1,023
– Saudi Arabia – 176
Samantala, sumampa na sa 3,484,176 ang confirmed COVID-19 cases sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.