Pope Francis bibisitahin pati ang lugar ng drug cartel sa Mexico

Pope mexico
Reuters

Dumating na sa Mexico City si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang 5-day trip sa Mexican Regions.

Ang pinuno ng simbahang Katoliko ay sinalubong ni Mexican President Enrique Peña Nieto at ng libu-libong mga tao na nakapila sa lansangan.

Kapansin-pansin din ang maraming mga mariachi bands na sabay-sabay na tumutugtog habang dumadaan sa kanilang harapan ang Santo Papa.

Magiging abala si Pope Francis sa kanyang Mexican tour dahil sa dami ng mga bibisitahin niyang mga lugar.

Kasama sa kanyang mga pupuntahan ang ilang mga bilangguan kasama na ang kulungan sa Ciudad Juarez na kinaganapan ng isang madugong riot kamakailan.

Bibisitahin din ng Papa ang lungsod ng Ecatepec kung saan gaganapin ang isang malaking outdoor mass sa Linggo.

Pati ang depressed area ng Chiapas ay kanya ring bibisitahin para sa isang dayalogo sa mga residente sa lugar.

Kasama rin sa listahan ng Santo Papa ang lugar ng mga drug cartel sa lungsod ng Morelia kung saan ay tuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga vigilante groups at illegal drug syndicates.

Sa kanyang pagdating sa Mexico City, ibinalita ng Santo Papa ang kanyang matagumpay na pagbisita sa Havana Cuba at ang pakikipag-pulong sa mga lider ng Orthodox Chruch na ayon sa kanya ay tutuldok sa sigalot sa pagitan ng Catholic groups.

Halos isang libong taon na ang nasabing gusot na nagsimula noong panahon ng schism kung saan ay tumanggi ang Eastern Church na kilalanin ang otoridad ng Roma.

Read more...