Palasyo, iginiit na walang ‘favoritism’ sa pagbabalik-operasyon ng POGO

By Angellic Jordan May 02, 2020 - 03:27 PM

Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na walang ‘favoritism’ sa pagpayag na makabalik na sa operasyon ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kasagsagan ng quarantine period.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng mga BPO.

Aniya, ang POGO ay isang klase ng BPO.

“Dahil isang BPO po ang Pogo, kinakailangang mapabuksan din sila,” ani Roque.

Matatandaang inanunsiyo ng PAGCOR na pinayagan na ang partial opening ng POGO kahit pinalawig ang enhanced community quarantine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.