Bilang ng naserbisyuhang OFW sa One-Stop Shop sa NAIA, umabot na sa 10,331
Umabot na sa mahigit 10,000 ang bilang ng naserbiyuhang overseas Filipino workers (OFW) sa inilunsad na One-Stop Shop sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) hanggang May 1, nasa 10,331 OFWs ang na-accommodate ng One-Stop Shop para maayos na maiproseso ang pagsailalim sa mandatory 14-day quarantine laban sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 7,735 OFWs ay mula sa Terminal 1 at 2,596 sa Terminal 2.
Matatandaang nagsimula ang operasyon ng One-Stop Shop noong April 23.
Ang One-Stop Shop ay ikinasa ng DOTr, Department of Tourism (DOT), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at the Bureau of Quarantine (BOQ).
Sa pamamagitan din nito, malalaman ng mga OFW kung anong quarantine facilities ang may bakanteng pwesto pa sa tulong ng Monitoring Charts sa bawat terminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.