Heavy rainfall warning nakataas sa Surigao Del Sur

Nagtaas ng heavy rainfall waning ang PAGASA sa lalawigan ng Surigao del Sur sa Mindanao.

Ito ay dahil sa malakas at tuluy-tuloy na pag-ulang nararanasan dulot ng Low Pressure Area na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 7:00 ng umaga ngayong Sabado, May 2 kabilang sa isinailalim sa yellow warning ang mga sumusunod:

Surigao del Sur
– Cantilan
– Madrid
– Carmen
– Lanuza
– Lianga
– Barobo
– Tagbina

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa sumusunod na lugar

– Bukidnon (Cabanglasan, Malaybalay, San Fernando)
– DinagatIslands
– SurigaodelNorte (Socorro, Surigao City)
– Agusan del Norte (Jabonga, Santiago, Cabadbaran)
– Agusan del Sur
– Davao Oriental (Boston, Cateel, Tarragona)
– Davao City
– Davao de Oro (Laak, Monkayo)
– Davao Occidental (Don Marcelino, Jose Abad Santos)

 

 

 

 

 

Read more...