Mga U.S-made missiles dumating na sa Seoul sagot sa banta ng NOKOR.

By Den Macaranas February 13, 2016 - 02:13 PM

Patriot missile batteries are being prepared  in Jaffa, south of Tel Aviv, Friday, March 21, 2003. Patriot missiles are to be used against Iraqi ballistic missles in case of an attack.  (AP Photo / Darko Bandic)
(AP Photo / Darko Bandic)

Dumating na sa South Korea ang ilang mga Patriot Missiles mula sa U.S bilang bahagi ng kanilang high-altitude missile defense system.

Ang nasabing mga Patriot Missiles ang magsisilbing proteksyon ng South Korea sakaling pumasok sa kanilang teritoryo ang mga long-range missile ng North Korea.

Noong nakalipas na linggo ay muling nagpakawala ng missiles ang North Korea na kanilang sinabi na bahagi ng pagpapatatag military forces ng komunistang bansa.

Sinabi ni Lt. Gen. Thomas Vandal, pinuno ng U.S eight Army Group na tutulungan din nila ang Seoul sa pagpapa-tatag ng kanilang Terminal High-Altitude Area Defense System (THAAD).

Nauna dito ay binatikos ng China ang pagpapadala ng mga Patriot Missile sa South Korea na ayon sa kanila ay lalo lamang magpapa-init ng sitwasyon sa Korean Peninsula.

Pero itinuloy pa rin ng U.S ang pagtulong sa South Korea bilang isang kaalyadong bansa.

Magugunitang nagbanta ang North Korea na nagsabing gumagawa rin sila ng isang makabagong missile system na kayang magpadala ng missile hanggang sa U.S mainland.

TAGS: NOKOR, Patriot Missiles, Seoul, south korea, U.S, NOKOR, Patriot Missiles, Seoul, south korea, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.