Dagdag na 4 na milyong benepisyaryo ng SAP aprubado na ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 05:49 PM

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaragdag ng 4 na milyon pang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng orihinal na programa ay 18 milyon ang beneficiaries ng SAP, pero madaragdagdan ito ng 4 na milyon pa.

Ang mga lokal na pamahalaan ay inatasang tukuyin ang dagdag na eligible family beneficiaries na isusumite naman nila sa DSWD para sumailalim sa validation.

Marami nang LGUs ang umaapela sa DSWD na dagdagan ang sakop ng SAP sa kanilang lugar.

Ang LGU kasi ang napupuntirya ng mga residenteng hindi nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa pamahalaan.

 

 

TAGS: additional beneficiaries, dswd, sap, additional beneficiaries, dswd, sap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.