Ang paglalagay ng panindang gulay at prutas sa mga Petron station ay sa pakikipagtulungan ng SMC sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling market program ng ahensya.
Sa ngayon 30 gasolinahan ng Petron na ang ginagamit ng SMC para makapagbenta ng pagjain sa publiko at inaasahang madaragdagan pa ito ng 60 pa.
“Petron’s major stations will become a lifeline for farmers in the province struggling to find a way to sell their fresh farm harvest. With this program, we are able to help them sustain their livelihood in this time of crisis. At the same time, we’re also making available fresh fruits and vegetables to people in Metro Manila to complement the products we offer,” ayon kay SMC president and COO Ramon S. Ang.
Malaking tulong ito ayon kay Ang lalo at hirap makapamili sa mga supermarket at palengke ang mga tao sa ngayon dahil sa humahabang pila.
Ayon kay Ang, mayroong 370 Petron stations sa buong Metro Manila.