Prutas at gulay ibebenta sa Petron stations sa ilalim ng “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling market program ng DA ayon sa SMC

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 05:22 PM

Maglalagay ng prutas at gulay ang San Miguel Corporation sa mga gasolinahan ng Petron para mas mailapit sa publiko ang mga pangunahing bilihin ngayong extended ang pag-iral ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar.

Ang paglalagay ng panindang gulay at prutas sa mga Petron station ay sa pakikipagtulungan ng SMC sa Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng “Kadiwa ni Ani at Kita” rolling market program ng ahensya.

Sa ngayon 30 gasolinahan ng Petron na ang ginagamit ng SMC para makapagbenta ng pagjain sa publiko at inaasahang madaragdagan pa ito ng 60 pa.

“Petron’s major stations will become a lifeline for farmers in the province struggling to find a way to sell their fresh farm harvest. With this program, we are able to help them sustain their livelihood in this time of crisis. At the same time, we’re also making available fresh fruits and vegetables to people in Metro Manila to complement the products we offer,” ayon kay SMC president and COO Ramon S. Ang.

Malaking tulong ito ayon kay Ang lalo at hirap makapamili sa mga supermarket at palengke ang mga tao sa ngayon dahil sa humahabang pila.

Ayon kay Ang, mayroong 370 Petron stations sa buong Metro Manila.

 

 

 

TAGS: BUsiness, food, Petron, petron treats, San Miguel Corporation, SMC, BUsiness, food, Petron, petron treats, San Miguel Corporation, SMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.