Pagbabantay sa karapatan ng mga mangagagawa tiniyak ni Pangulong Duterte ngayong Labor Day

By Dona Dominguez-Cargullo May 01, 2020 - 04:57 PM

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na babantayan ng pamahalaan ang seguridad ng mga manggagawa at dignidad ng mga ito.

Mensahe ito ng pangulo ngayong ginugunita sa bansa ang Labor Day.

Ayon sa pangulo na binibigyang pagpupugay ngayon ang mga manggagawang Filipino na malaki ang ambag sa pag-unlad ng bansa.

Binanggit din ng pangulo na ang mga Filipino workers ay kinikilala sa buong mundo sa professional excellence.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng pangulo ang nasa sektor ng pagnenegosyo na gawin ang kanilang responsibilidad para mapagbuti ang buhay ng kanilang mga empleyado.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng stable na career opportunities at “human working conditions”.

“As all work is vital in forging a more inclusive and more progressive Philippines, may eac and every Filipino rightfully enjoy the fruits of their labor and lead more productive and dignified lives,” ayon sa pangulo.

 

 

 

TAGS: Labor Day, labor day message of president duterte, may 1, Labor Day, labor day message of president duterte, may 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.