Partial reopening ng mga POGO pwede na ayon sa PAGCOR
Pinapayagan na ang partial reopening ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kahit extended ang pag-iral ng enhanced community quarantine.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, kailangan lamang sumunod sa guidelines ng mga POGO sa gagawin nilang muling pagbubukas.
Kabilang dito ang pagkakaroon lamang ng 30 percent ng kanilang total workforce na dapat payagang pumasok sa trabaho.
Kabilang sa mga POGO workers ang mahigit 31,000 na Pinoy na nawalan ng trabaho mula nang ipatupad ang ECQ.
Ayon kay Domingo mayroong 60 kumpanya ng POGO ang inaasahang magkakaroon na ng partial reopening.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.