Philippine Arena handa nang tumanggap ng COVID patients

Handa nang tumanggap ng COVID-19 patients ang Philipine Arena sa Bulacan.

Mayroon itong 300-bed capacity at nai-turn over na Iglesia Ni Cristo ang pasilidad sa National Task Force Covid-19.

Sampung araw na isinailalim sa conversion bilang mega-quarantine ang arena.

Nagtulung-tulong para dito ang Department of Public Works and Highways (DPWH), INC at ang MVP Group of Companies.

Magsisilbi din ang Philippine Arena bilang isa sa apat na “Mega Swabbing Centers” sa Metro Manila.

 

 

 

Read more...